Sunday, September 7, 2008

Intersection

Nagsimula sa kauratan... Isang magandang plano. Isang punto sa buhay na tila mahirap ng maaninag.. Ano na nga ba ang nangyari? Ang balak ay itali ang ibat ibang buhay at gawing iisa ang destinasyon. Hindi nga ata maiwasang magkaiba ng daang tinatahak..

Ako ngayon nasa panibagong interseksyon na naman... Tila napakalayo na ng huling liko na kinuha ko. Parang masyadong mabilis ata ng naging pagbiyahe ko... Mabilis at mahaba. Isang mahabang deretso...... Mahabang mahaba... Kaya masarap mapahinto sa ganitong interseksyon. Masarap magbanat at magunat ng kaonti.. Masarap lumingon sa hiway na dinaanan. Nakakainis ang naging huling biyahe ko.. Hindi dahil sa matagtag.. Hindi dahil nagkulang ata ako sa stopover.. Hindi rin dahil sa naligaw ako... Maganda ang naging takbo ko... Payapa, steady, wlang reklamo,dere deretso... Kaso parang naka cruise control ako... Parang naka auto pilot... Kaya sobrang sarap ng pakiramdam na makarating sa isang bagon interseksyon... Bagong simula na naman, Panahon na naman para pumili ng liko... Bago na naman lahat ng antisipasyon para sa mga bagay na madadaanan sa bawat likong papasukin..... May bago akong pasahero, at hindi ko alam ang lugar na dapat nyang puntahan.. alam ko lang dapat maihatid ko sya sa tamang destinasyon... Kaya sasamantalahin ko na tong pagkakataon na to para lumingon at tanawin ang pinang galingan... Konti na lang ang naaaninag ko sa mga kasama kong biyahero.. Nagkaiba iba ng liko ang napili namin... Ilang saglit na lang pipili na naman ako ng panibagong daan na tatahakin... Ganun din sila... Sana lang pagdating sa dulo andun sila gaya ng napagkasunduan...

Thursday, June 7, 2007

Green Light

Umusad na ng bahagya ang trapik na may katagalan ding nahinto...
Unti unti ng lumuluwag ang bawat linya....
Dahan dahang napapalitan ng mga pilit na ngiti ang mga labing kaytagal nagusot sa pagkakainip....
Maya maya lang ay mararamadamang muli ang ginhawang dala ng hanging dumadampi sa mukha habang naglalakbay sa mahabang kalye......
Numinipis na ang alikabok... Medyo lumilinaw na ang daan....
Medyo naaninag na ang destinasyong gustong puntahan.....

Wednesday, March 21, 2007

Stuck on traffic.....

Mainit... Nakakainis.... Nakakapikon.... Nakamamatay.....
Tipikal na trapik.....

Ngayon ako nasa trapik pa rin hinihintay mag kulay berde ang stoplight...
Nauupos na ang pasensya ko....
Tumatakas na ang katinuan at kamalayan ko....
Ang tagal ko ng nakatirik.....

Abutan ko pa kaya yung gusto kong puntahan??? O masyado nang huli ang lahat....

???

haaaaaaaaayyyyy......

Sunday, March 11, 2007

Winter's End

Unti unting napapawi ang lamig sa paligid. Dahan dahang umaamo ang panahon. Lumiliwanag ang madalas na makulimlim na himpapawid. Tapos na nga ang taglamig. Panahon na ng tagsibol, Ilang sandali na lang at muli na namang magbabalik ang dating buhay na tila kinitil ng lamig na nagdaan.

Nitong mga nakaraang buwan, Naging ugali ko ng tingnan ang puno sa tapat ng bahay namin. Naging ugali ko ng titigan ang punong ito dahil tanaw ito sa bintana ng apartment namin. Tuwing umaga pagbinubuksan ko ang blinds ay napapatitig ako sa punong to. Malaki, mataas, isang nilikha na tumatawag ng respeto. Naiisip ko kung ilang makasaysayang parte na ng buhay ng mga tumira dito ang nasaksihan ng punong ito. Ilang tuwa,galak, kabiguan at sikreto ang tahimik na pinakinggan at tinago nito.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, sa kabila ng katatagan at lakas, ay bigla siyang nawawalan ng buhay pagsapit ng taglamig. Ang mga sangang hitik ng dahon ay unti unting nalalagas hanggang sa mawalan ng buhay. Naiisip ko tuloy minsan kung talagang buhay pa ito.

Sa ngayon ay nasa taglamig ako ng buhay. Pilit akong nagpapakatatag, pilit tumatayo sa gitna ng hagupit ng lamig ng buhay. Andito ako sa amerika, magkakalahating taon na. Buong pagaakala ko ay magiging madali ang buhay ko dito. Pero hindi lahat nangyari ayun sa inaakala ko. Hirap akong makakuha ng trabaho sa ngayon. Inabutan na ako ng mga multong ginawa ko nung mga nagdaang panahon ng buhay ko. Gaya ng puno sa taglamig parang tumigil ang buhay ko pagdating ko dito. Nawala ang buhay na alam ko sa isang iglap.....

Saka ko naisip bigla ang puno. Oo sa isang tingin ay mukhang wala na itong buhay. Pero sa loob ay patuloy na kumukuha ng sustansya ang malalaking ugat nito sa lupa. Patuloy na nabubuhay, Patuloy na naghihintay ng tagsibol.

Saka ko maiisip si kat na patuloy na gumagabay sa akin. Ang pamilya kong alam kong sumusuporta sa akin sa lahat ng bagay at ang mga kaibigan kong patuloy kong sinasandalan sa taglamig. Sila ang mga ugat ko. Ang mga nakatagong tagapagbigay buhay ko.

Tapos na ang taglamig muling manunumbalik ang lakas at tikas ng puno. Ganun din ako, alam kung konti na lang tagsibol na sa buhay ko. Konting panahon na lang. Konting tatag na lang.....

Thursday, March 8, 2007

Ang pinaka maigsing talumpati ni winston churchill...

Nung 1940, Inimbitahan si winston churchill, punong ministro ng britanya, at isa sa mga pinaka maimpluwensyang punong ministro noong panahon ng ikalawang digmaan, na magbigay ng talumpati sa harap ng mga istudyanteng magtatapos ng kolehiyo.

Umakyat siya ng entablado dala-dala ang kanyang tobacco at humarap sa mga estudyante. Nabalot ng katahimikan ang lahat at nag abang sa talumpati na ibibigay ng isa sa mga pinaka magaling na nilalang na naglakad sa mundo.

Bumukas ang bibig niya at sinabi, "Never give up" Sinindihan ang yosi, tumigil ng sandali at kaharap ang lahat ng tao nung araw na yon inulit nya ang mga katagang..."NEVER NEVER GIVE UP" Tumayo sya ng ilan pang saglit at umalis.

Sa Paglalakbay natin dito sa mundo ng kaguluhan at walang katiyakan, tandaan mo lang, kailangan mo lang alamin kung ano ang gusto mong mangyari sa urat na buhay mo, at sabihin sa sarili mo ang pinaka maigsing talumpati ni winston churchill. Sa panahon na na sa baba ka at di maka tayo, isipin mo ang pangarap mo..."Never give up, NEVER NEVER GIVE UP"

note: winston churchill took 3 years before he passed one of his grades.


-Badalaha

Wednesday, March 7, 2007

Ang kalye

Naramdaman mo na bang maligaw? Yung hindi ka sigurado kung nasaan ka na?? At dahil sa dami ng dinaanan mo eh wala ka ng pakialam at gusto mo na lang magpahinga??

Nandun ako sa punto ng buhay ko ng makasalubong ko ang mga taong magiging parte ng buhay ko hanggang malagutan ako ng hininga. Mga tao na tinuring kong kabiyak ng aking kaluluwa, mga kadugtong ng aking buhay. Mga kapatid sa ibang magulang.

Hindi ko na masyadong matandaan kung ano ang eksaktong panahon ng magkakilala kaming lahat. Alam ko nasa grade 5 o grade 6 ako nung mga panahon na yun. Nagsisimulang matutong humarap sa sampal ng buhay. Naguumpisa pa lang maghilom ang mga sugat ng mga nagdaang taon ng makilala ko sila. Medyo nakaahon na ako sa pagkalugmok at pagkalito at medyo marunong na akong tumayo sa sarili kong paa nun. Nagsisimula na akong maglakbay sa sarili kong buhay. Oo masyadong maaga ng matutunan kong maging magisa. Magisa sa lahat, Sagot ko ang sarili ko, bahala ako sa buhay ko.

Ganyan ang siste ng magkakilakilanlan kami....

Ewan ko ano ang kuwento sa likod ng bawat isa sa kanila nung mga panahon na yun. Ang alam ko lang, una kaming nagkasundo dahil sa paglalaro. Isang parte ng kamusmusan na tila napakahirap iwanan. Nagsimula sa basketball, taguan, pagbibisikleta, at kung anuano pa. At sa puntong yun hindi namin alam na sabay sabay na kaming naglalakbay sa kalye ng buhay.... Magkakasamang nagtatawanan, nagkukuwentuhan, at kung minsan eh pati sa mga walang kabuluhang mga bagay. Napalitan ang mga laro ng pagtambay, panliligaw, inuman, diskusyon, outing, gimik, seryosong usapan,at marami pang iba. Madaming problema, kasiyahan, tagumpay, kabiguan, at mga pangarap ang napagsaluhan naming lahat. Masyadong mabilis ang mga lumipas na panahon at malayo na ang naging paglalakbay namin. Maraming nabuong mga kuwento, Maraming aral ang natutunan namin sa isat isa. Nasanay na akong maging bahagi sila ng buhay ko. At dahil sa tinagal ng aming samahan, naging higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanila. Sila na ang naging pamilya ko, halos sila na ang naging gabay ko sa buhay ko. Dahil sa kanila hindi ako naging magisa, natuto akong buoin at kilalanin ang sarili ko. Nagkaroon ako ng pagasa at muling nangarap. NAtuto ulit akong magkaroon ng pakialam. Nakapagpahinga ang kaluluwa kong malapit na sanang maligaw. At dahil dun hindi ko na magagawang talikuran o iwanan ang mga taong ndaanan ko sa kalye ng buhay kong ito. At dahil sa kanila patuloy pa rin akong naglalakad at naglalakbay. Lumiko man ako at pansamantalang nalayo alam ko sa dulo ng paglalakbay na to eh iisa ang aming pupuntahan. At alam ko na mapagod man akong muli sa dulo magkikita kaming lahat at may mapagpapahingahan ulit ako......

Tuloy ang biyahe..... At ang kalyeng to ang magiging patunay na lahat kami naglalakad pa rin ng sabay sabay

~boybanayad